Araw-Araw
Friday, December 18, 2015
Ekstra sa Pelikula
Madalas kong maitanong sa sarili ko, bakit?
Bakit ako nabubuhay?
May mahalagang papel ba akong gagampanan sa mundo? Kung oo, ako ba ang bida at ang magbibigay saya sa ibang karakter na makakasalamuha ko o ako ang sisira sa mga pangarap nila at magtatapos ang kwento nang luhaan ang mga tagapanood?
Kung babalikan ko ang nakaraan ko, hindi ko nga dapat isipin na isa ako sa mga pangunahing karakter. Noong bata ako, hindi ako nakikipaglaro sa mga ka-edaran ko. Ako yung paslit na nakasilip lang sa bintana ng bahay para panoorin sila tumakbo nang tumakbo hanggang hikain. Madalang lang lumabas, pero naka-upo lang ako sa sidewalk kung mangyari man. Ako yung batang iwas makipag-usap sa ibang bata dahil takot akong ma-buweltahan ng pang-aasar. Ang lakas pa naman ng hagikhik nila, yung nakakalokong tawa na tipong mayuyupi ka sa bawat buwelo nila.
Subscribe to:
Posts (Atom)